My Blog List

Sabado, Nobyembre 12, 2011

Dahil sa pangarap......katawa tawa ang dulot

Bakit nga ba ang tao pagwala pera mahilig magsalita ng "sana makapulalot ako ng pera" or sana manalo ako sa loto.  Ito na ang mga salitang nakagisnan ng bawat isa at walang tigil sa pangarap na ito.

Kaya minsan sa aming paghahanap ng pagkakakitaan, at sa nakakapagod na paglalakbay kung
saan saan di namin maiwasan tumingin sa aming dinadaanan at mangarap na makapulot ng suwerte sa daan.
Papalapit na sa MRT at mabilis na lakad kasabay ng  mga taong dumadaan tila isang motibo ang napahiwatig 
sa aming dinaraanan..Tindi ng sikat ng araw at butil ng pawis ang aming  nararanasan, isang hakbang na lang ng bigla pa ako maalimpungatan . Huminto ako at inaninaw ang dinaraanan, at ng masigurado ang aking natanawan. mabilis ko tinawag ang aking kasamahan.at sabay bulong ng marahan sa pagsabing may "barya sa ating dinaanan, pulutin mo at sayang". Agad na binalikan ang aming nilagpasan, pasimple pang pinulot upang di mapaghinalaan.
Sa aming pagdampot upang ito ay mapulot, nakakatuwa at nakakahiya ayaw ito mapulot, sapagkat ang aming pinupulot ay di pala nadadampot dahil ito ay nakadikit at di puwede madampot.

Mabilis na lumisan , upang tingin ng tao ay aming maiwasan,.  Nang makalayu na at sabay nagtawanan, hanggang sa makarating sa aming uuwian , isang pangayayri ang di makalimutan.

Kaya babala sa inyo ay huwag ng mangarap na makapulot .. sumubaybay na lang sa aming samut-samu trip na idudulot..

.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento